Sa aking paguwi,nakasakay ako sa isang bonggang bonggang BUS.Feeling ko,asa CR ako,Bket?!? Kasi,kulay dilaw ang ilaw nya,at ka-karagkarag talaga ung bus. Pero matiwasay naman ang biyahe ko. Agad kong sinalpak sa tenga ko ang aking IPOD touch at nilagay sa playlist kong: ‘^^ Favorites’. At nagsimula na akong mag-emo…. Teary-eyes na ang lola mo ng biglang,TUMIRIK ang bonggang bus, at dahil di ko marinig ang sinasabi ng mga tao at na-feel ko na rin na ang bonggang bus ay namayapa na talaga,bumaba na lang ako. Hindi ko na kinuha ung pera ko sa kunduktor na mula ORTIGAS to MUNOZ..Syempre,I’m Rich.Abuloy ko nay un sa namayapang BUS nila,kasi kelangan ng bus nila ng TOTAL MAKEOVER.
Sandali lng ang aking inantay ng dumating ang ikalawang bus. Compare sa nauna,mas maaus naman ang bus. Feel ko naman sa bus na ito,e asa LIVE CONCERT ako. Infairness, malakas na ang IPOD TOUCH ko,pero dinig ko pa rin ung atungal ng hinayupak na singer. Dedma ulit ang lola mo, at nag emo nanaman ako. Teary eyes naman ang lola nyo, ng napansin ko sa bandang MONUMENTO na parang me kulang sa BUS. Doon ko lang na-realize na, NAWAWALA ANG KONDUKTOR!!!! Natuwa ako,dahil,LIBRE ang PAMASAHE KO!! Pero,nagkagulo ang mga tao sa bus,me isang babae na hindi pa nasusuklian ang 500.00 nya. Itago na lang natin sya sa pangalang,PROSERFINA.Duon nagsimula ang haka-haka na ITINAKBO ng KONDUKTOR ang koleksyon nila, at ang haka-haka na iyon e galling sa isang manong na itago natin sa pangalang, TEBAN.
Naasar ako sa kunduktor. Lokong yun,after maghirap ng driver kaka-drive(driver nga e?!?) e bigla na lang itatakbo lahat lahat, at iiwan ang driver. Nairelate ko sya sa pagibig,since emo ako. Na-after ibigay ni inday/dodong ang lahat e,iiwan ng bonggang bongga at kukunin lahat lahat pati puso mo.At sa huli, ikaw pa ang masisis dahil hindi mo siya binantayan ng maigi. haaaay…Naawa ako sa driver,balak ko,iwan ko na lang ang TSEKE ko na nagkakahalaga ng 12.00. Nang biglang meron humarang na BUS, bongga.Baket ulit?!? Andun ung muka ni Claire dela Fuente, ang bus na halos lahat pati ata brief ng KONDUKTOR e violet at sa tuwing dumadaan e akala mo kinakantahan ka ng SAYANG at SOMETHING IN YOUR EYES. Nagulat ang lahat dahil me BUMABA … ang man-of-the-hour:KONDUKTOR. Parang WISH KO LANG o SANA MULING MAKAPILING. Nakapiling na rin naming ang konduktor, hindi na libre pasamasahe ko..SAYANG!!!!
Nag-walkout pala tlga yung bus namin,at iniwan ang konduktor sa PARAMOUNT. Sa lakas ng concert sa loob ng bus, hindi narinig ang umiiyak na konduktor. Umeksena si PROSERFINA, ung sukli nya daw at sinsermunan ang driver na hinaan ang magpatugtog. Bwisit na bwisit ang konduktor sa driver. Sa wakas nakababa na rin ako, at nagbayad naman ako. Sa aking pagbaba,tinignan ko ang pangalan ng bus, sya ay si CHACHA
Madami akong natutunan sa aking paglalakabay:
1. Mamili ng bus,wag yung mukang CR at parang magiging CONVERTIBLE anytime.
2. Wag emo ng emo sa bus, bigla kasing me umaagaw ng eksena e.
3. Wag gayahin si TEBAN, puro haka-haka, manahimik para di halatang di nagbayad.
4. Wag sasakay sa wlang konduktor.
Sa dinarami-rami ng bus, we get to choose one.Hindi lahat ng bus,perfect. Minsan, in the middle of the trip, biglang tumitirik and we have no other choice but to transfer to another one.
Parang pagibig din yan, sa dami ng taong nakilala,kilala at kikilalanin mo, you’ll choose only one. And in the middle of your relationship, when everything seems perfect, think again.. People change… and you got no other choice, but to look for another way to pick yourself again… retrieve what is stolen… and choose another bus, that will lead you back HOME.
Recent Comments