About Me
I ‘m afraid of heights.
I’m afraid of lizards (butiki)
I think I have night blindness (nyctalopia)
Nearsighted: Left Eye (275), Right Eye (275), current eyeglasses
♣♣♣♣♣♣♣♣
SHEIRENE
Siya ay isang simpleng babae
Inuuna ang pamilya kahit nag-iinarte
Lalo na kapag si Mhar na ang umatake
Wala ng magawa ang kawawang ate
Kapag di mo siya tunay na kakilala
Tingin pa lang niya ay nakakabahala
Supla-supladita ang dating ng lola
Bagay naman minsan sa nagdadalagang bakla
Sa ilang taon naming pagsasama
Wala naman siyang hinangad na masama
Alam kong lagi siyang maasahan
Kahit pa nga sa oras ng utangan
Pagdating naman sa usaping pag-ibig
Kailangan pa bang sambitin ng bibig
Kung paano pinagdaana ang malilisyosong titig
Na sa kanya’y ipunukol at animo’y kriminal na inuusig?
Kung sa karunungan naman ang usapan
Tiyak ang marami ay walang panlaban
Marami siyang tinatagong karunungan
Na handang ibahagi kanino man
Sa panibagong taon sa iyong buhay
Matagpuan mo sana ang ligayang walang kapantay
Sa Diyos ay tumalima at Siya ang gagabay
Salamat sayo kaibigan, mabuhay kang tunay!
♣♣♣♣♣♣♣♣
A poem given to me by Pretty Fhe as her birthday gift. Yesterday (Oct.06,’09) we accompanied her to look for a photo frame. I didn’t know that she’ll be giving the frame to me with a poem inside.
Recent Comments