SHEIRENE
Siya ay isang simpleng babae
Inuuna ang pamilya kahit nag-iinarte
Lalo na kapag si Mhar na ang umatake
Wala ng magawa ang kawawang ate
Kapag di mo siya tunay na kakilala
Tingin pa lang niya ay nakakabahala
Supla-supladita ang dating ng lola
Bagay naman minsan sa nagdadalagang bakla
Sa ilang taon naming pagsasama
Wala naman siyang hinangad na masama
Alam kong lagi siyang maasahan
Kahit pa nga sa oras ng utangan
Pagdating naman sa usaping pag-ibig
Kailangan pa bang sambitin ng bibig
Kung paano pinagdaanan ang malilisyosong titig
Na sa kanya’y ipunukol at animo’y kriminal na inuusig?
Kung sa karunungan naman ang usapan
Tiyak ang marami ay walang panlaban
Marami siyang tinatagong karunungan
Na handang ibahagi kanino man
Sa panibagong taon sa iyong buhay
Matagpuan mo sana ang ligayang walang kapantay
Sa Diyos ay tumalima at Siya ang gagabay
Salamat sayo kaibigan, mabuhay kang tunay!
♣♣♣♣♣♣♣♣
A poem given to me by Pretty Fhe as her birthday gift. Yesterday (Oct.06,’09) we accompanied her to look for a photo frame. I didn’t know that she’ll be giving the frame to me with a poem inside.
To Fhe, Thank You for your beautiful poem. ^^ Beautiful din kasi ung inspiration ng poem mo. HAHAHA. Mangungutang ka ba,frend?!? Wag muna, kasi binaha kami. Besides, bakit ngayon lang ito?! September 25 birthday ko? anong petsa na?! October 6?!!!!!!! hehehe. Ngayon ako magrereklamo sa frame! ang laki laki frend! grrr. sana ung mga magagandang frame dun!
Hindi ko alam na ganito pala ang tingin mo sa akin, frend. feeling ko mangungutang ka talaga,hahahaha. Thanks frend!!!! Love IT!!!!

Filipina and Sheirene
prettyfhe said,
October 6, 2009 @ 6:54 am
I LOVE IT TOO!!
walang anuman frend…
yung poem, august ko pa nagawa.. kasabay ng KASANGKAPAN ko.. ung design nung friday lang.. wahhaha