Archive

Archive for March, 2009

Batabatuta, paano ka ginagawa?

March 30, 2009 Sheirene 9 comments

Megamall,Watsons

March 27,2009

Sinamahan ako ni sen sa Watsons para bumili ng ‘Girl thing’. So habang nakapila ko, pinahanap ko si sen ng baby powder with cornstarch (kasi me rashes ako sa likod). Nabaling ang atensyon ko ng mayroong batang umeksena….

Bata: Mommy, uuwi na daw tyo.

Mommy: (Dedma…. antay yung sukli)

Bata: Mommy, ano ito? (Inalog..) Candy?

Mommy: (Dedma….)

Bata: Mommy, BILI MO AKO..

She:(tumagilid ako, at tumawa ng mahina,bka kasi awayin ako ng nanay)

Mommy: (Sa wakas pinansin din ang anak..hinawakan at binasa ang pinabibili ng anak at sabi…) ay,di pwede to..iba to..

Bata: bakit?!? e sabi dyan e..PLAY

Play nga namanimg0262a

sa tapat ng WATSONS counter, puro condom at kung anu-ano pa…

Play nga naman! Bata pa siya gusto nya na agad mag play niyan?! tsk.tsk.tsk..

pati tuloy ako nagtanung sa kasama ko kung para saan pa ung ibang gadgets…hahahaha..

Categories: Just for Laughs

One Night Only: Tequilla Party 2009

March 23, 2009 Sheirene 1 comment

project

Bago kmi pmnta sa despidida ni cathy, pumunta mna kme sa St.francis para bumili ng cellphone ni Kevin. Medyo nagtagal kme kasi ang tagal pumili ni Kevin.Kung pwede lang akong I banned sa St.francis, wla kc akong ginawa kung di tumawad ng cellphone,aheehehe. Pagdating naming sa staffhaws, gutom na gutom na ako.Nakita agad ako ni Ms.Rhea,agad nya akong kinaladkad at pinakilala sa isang lalaki.

Nabighani ako sa kanyang taglay na ganda,hahaha, dun ko nakilala ang malanding lalakeng un, c Benj,kaklase sya ni mar and rhea. Totoo nga ang balita ko sa kanya, Maganda sya… Ang dami ng food at ang sasarap pa…Di ako masyado nagpakabusog kasi mahirap pag masyadong busog tapos iinom. And I would like to acknowledge the presence of ARSENIA, muli syang napunta sa staffhaws at wla nang bitterness (I hope so). Matapos naming kumain,nilabas na ang 2 El Hombre Gold. Akalain mong nagdagdag pa si cathy ng 2 so apat na sya. ANg unang tanggera e si Rhea.Pangalawa, ako na ang tanggera. At dahil atat na atat na tlga si BEnj sa tequila, sasabihin tlga nya sa iyo ng bongga, GIRL TAGAY KA NA… Ang ginawa ko sa baklang yun, TINURUAN kong magtagay. Sa una, ang tatataas ng tagay nya at ang daming daming asin, madami ding mga violent reactions. Like si apol, “di lang tyo magkakasakit sa atay, pati na sa bato”. Kahit merong ganung comments, Inom naman ng Inom.hahahaha. at napapansin ko na sa akin binibigay lagi ni benj.parang kakatapos ko lang, malingat ka lang ng onti, ako nnmn. Di nya pa kasi kilala lahat sa staffhaws. At since gwapo si benj, siniyawan sya ni apol and fhe,pro kahit anung gawin nila,lalake pa rin ang gusto ng abnoy. At ang di ko malilimutan e, tawa kami ng tawa dahil lng sa TISYU na inumpisahan ng kalandian ni apol, retarded na si fhe, ako, Karen and cathy. At nandiri ang lahat ng sinabi ni cathy na ‘I LIKE IT’ at nakakasuka na ng ginagaya ni fhe si cathy…

Di naming napapansin na nakakarami na kmi ng inom dahil ang galaw galaw na naming at tawa kami ng tawa. At ditto na nagsimula ang majic… Una, nakita ko c apol and Karen, asa baba pa, pero makalipas ang ilang minute, akalain mong NAG-EVAPORATE..Nakita ko pa si Fhe na bagong ligo…Nakikanta pa ang lola…Akalain mong nalingat lang ako e nag-FLY na ang lola mo sa kama?!? At ang mga natira?, ako, benj, rhea, cathy, glaiza, and sinamahan naman kme bigla ni KEVIN..laging sa huli humahabol un,kung kelan lasing na kme, at wla ng iinumin.

Pro kahit ganun, total-SENGLOT na kmi,except for Glaiza, nakuha pa naming mag picture.. Sakit ng ulo ko sa umaga..nagising ako ng 10:30 am. At wla akong ginawa kung di sumuka ng sumuka.Di ako kumakain,at hirap ng feeling. At syempre sinambit ko nnmn ang mga katagang “AYAW KO NG UMINOM”..pro di ko nman sinasadya un (bka magtampo sa akin ang alak,Joke lng).. Umiikot ang paningin ko,para syang 3D animation running sa Celeron..as in nahuhuli ung mata ko. Asa kanan ung ulo ko, pro ung mata ko asa kaliwa pa din, at dahan dahan tlga sya.. Buti na lang at nakatulog ako. At sa pag gising ko, me bago akong naramdaman….NAGUGUTOM NA AKO…nagpabili me ky kaka ng palabok and coke… SARAP!!!

Read more…

Categories: Emo..Emo..T-T

Tatlong araw lang pala, di man lang ginawang Lima

March 13, 2009 Sheirene 1 comment

se47 <!– @page { margin: 0.79in } P { margin-bottom: 0.08in } –>

still under construction.. check ko pa grammar ko.. ^^ for the meantime, pi-nublish ko na.. excited na kasi ako e….^^

The reason: I joined the Singles Encounter because I know, Ms.Filipina Bonon will NEVER stop bugging me. Nat, allen and apol, my officemates and friends, also joined the event. One time in our yosi break, I said to nat and allen “Going there may open many doors and in the end we might LEARN or GAIN something”.

Eve:

My friends and I joked inside the cab that we should go to “Watering Hole” instead. We weren’t excited, but scared. We don’t like sharing our problems and resentments to “strangers”.

“My name is she, I want to be remembered as someone na maingay.Pag me narinig kayong maingay sa hallway, ako yun!”, – bawal maingay sa hall.

In room 224: DAVID, I meet new people, Jucyn, Laze, and Tin-tin. I slept at 1:00 am

Day 1:

I thought I’m hearing wedding bells, but that’s our wake up call. My tribe is GAD. This day is my FIRST CONFESSION. Father Edwin is so kind and HE ROCKS!! I learned from him was, forgive the person in God’s time, and HIS time is NOW!

This day was all about forgiveness. It’s easy to say I forgive you, but it still hurts. I realized how much I’m hurt, and how heavy it is to carry the pain every day. Amazed, that I can bear a lot of resentments and not saying anything.

Before we went to bed, we walked into a candle lit path with people holding red and white balloons. The sponsoring class serenades us with love songs. They served junk foods and juices. It was great!

That night, I transferred to room 226 where my friend , apol, was staying. Before we went to bed, I told apple that I texted Kevin saying, “Gusto ko ulit umiyak ng todo sa shoulders mo”.Wala pa kasi akong naiiyakan ulit e.

Day 2:

This day is the Healing of Memories. They let us wrote in a piece of paper our Painful/Hurting Memories. I wrote some of my resentments, not knowing that we’ll share that piece of paper to the healing ministers. I got scared and nervous. I keep telling myself, don’t cry, you can’t cry… and when it’s my turn, I approached the little woman, sitting on the table…

I can’t believe it myself. It’s not the ambiance, ‘nor the music that heightens the emotions- allen’, nor the people I see crying, nor the woman sitting in front of me, whom I barely knew, nor her warm hand gently tapping my back.

I tried telling my pains/hurts. Little by little, slowly I explained the first item. I talked slowly with big pauses, so I will not cry.

It’s really hard for me to tell other people my resentments. I and my best friends share the same thought. How can you cry to people whom you barely knew, someone who is as imperfect as me? How can someone give advices if they hadn’t encountered your problems?

But at that very moment, I did. I really tried not to cry, but I FAILED. I’’m afraid to cry because I think I can’t stop. By crying, you can measure the pain that you hold back for so long.

After that they gave us two envelopes as a surprise. I read my first letter, and I cried again.

The sponsoring class sang “Welcome to the family” but this time, it’s more emotional. When I saw my friends, Sen, Fhe, and Kaka, I cried again. There’s really a lot of crying… Fhe hugged me we’re both crying. Tita rita and Tito Pete visited us,HUMIHIKBI na ako. I thanked her.

I would like to thank my healing minister, Tita Chichi, not because she prayed for me, but because right now all I need is someone I can cry on, that I failed to do for 5 months. For someone who don’t question much, someone who knows the gist of my story, she who offered her arms and let me cry on her shoulders for a short while.

Now, I’m happy that I joined the Singles Encounter. I never felt this good. I may feel tired, my body is aching, but my heart feels good.

Let it go and give yourself a chance to be happy.To prolong your pain means you’ll get hurt more.To endure it, the more harder for you to let go

Categories: Emo..Emo..T-T

DumDum,Babe,Baby,Akachan and Bebe ko

March 6, 2009 Sheirene Leave a comment

angelWe can’t hold someone ’s heart

As long as his heart beats, no one can tell when it will stop beating for you

Enjoy every moment you had with this person as if it is your last day with him

Hold him tight when he’s sleeping

Hug him when you’re angry with him

Dance a slow dance

If he’s sick, bring him food.

Tickle him when he’s angry

Make funny faces, he’ll surely laugh ^___^

Know everything that he loves

Tell him everything,don’t keep any secrets

Listen to him when he’s telling his problems

If he feels down, encourage him

Offer you shoulder if he’s crying

Do this…. and you’re time with him would be the  HAPPIEST  you’ve been in your life… and it’s all worth a it, even if you failed.

I wrote this when I was in Thailand.December 29, 7:50 PM


Categories: Emo..Emo..T-T

Emo Bus

March 3, 2009 Sheirene 2 comments

Sa aking paguwi,nakasakay ako sa isang bonggang bonggang BUS.Feeling ko,asa CR ako,Bket?!? Kasi,kulay dilaw ang ilaw nya,at ka-karagkarag talaga ung bus. Pero matiwasay naman ang biyahe ko. Agad kong sinalpak sa tenga ko ang aking IPOD touch at nilagay sa playlist kong: ‘^^ Favorites’. At nagsimula na akong mag-emo…. Teary-eyes na ang lola mo ng biglang,TUMIRIK ang bonggang bus, at dahil di ko marinig ang sinasabi ng mga tao at na-feel ko na rin na ang bonggang bus ay namayapa na talaga,bumaba na lang ako. Hindi ko na kinuha ung pera ko sa kunduktor na mula ORTIGAS to MUNOZ..Syempre,I’m Rich.Abuloy ko nay un sa namayapang BUS nila,kasi kelangan ng bus nila ng TOTAL MAKEOVER.

Sandali lng ang aking inantay ng dumating ang ikalawang bus. Compare sa nauna,mas maaus naman ang bus. Feel ko naman sa bus na ito,e asa LIVE CONCERT ako. Infairness, malakas na ang IPOD TOUCH ko,pero dinig ko pa rin ung atungal ng hinayupak na singer. Dedma ulit ang lola mo, at nag emo nanaman ako. Teary eyes naman ang lola nyo, ng napansin ko sa bandang MONUMENTO na parang me kulang sa BUS. Doon ko lang na-realize na, NAWAWALA ANG KONDUKTOR!!!! Natuwa ako,dahil,LIBRE ang PAMASAHE KO!! Pero,nagkagulo ang mga tao sa bus,me isang babae na hindi pa nasusuklian ang 500.00 nya. Itago na lang natin sya sa pangalang,PROSERFINA.Duon nagsimula ang haka-haka na ITINAKBO ng KONDUKTOR ang koleksyon nila, at ang haka-haka na iyon e galling sa isang manong na itago natin sa pangalang, TEBAN.

Naasar ako sa kunduktor. Lokong yun,after maghirap ng driver kaka-drive(driver nga e?!?) e bigla na lang itatakbo lahat lahat, at iiwan ang driver. Nairelate ko sya sa pagibig,since emo ako. Na-after ibigay ni inday/dodong ang lahat e,iiwan ng bonggang bongga at kukunin lahat lahat pati puso mo.At sa huli, ikaw pa ang masisis dahil hindi mo siya binantayan ng maigi. haaaay…Naawa ako sa driver,balak ko,iwan ko na lang ang TSEKE ko na nagkakahalaga ng 12.00. Nang biglang meron humarang na BUS, bongga.Baket ulit?!? Andun ung muka ni Claire dela Fuente, ang bus na halos lahat pati ata brief ng KONDUKTOR e violet at sa tuwing dumadaan e akala mo kinakantahan ka ng SAYANG at SOMETHING IN YOUR EYES. Nagulat ang lahat dahil me BUMABA … ang man-of-the-hour:KONDUKTOR. Parang WISH KO LANG o SANA MULING MAKAPILING. Nakapiling na rin naming ang konduktor, hindi na libre pasamasahe ko..SAYANG!!!!

Nag-walkout pala tlga yung bus namin,at iniwan ang konduktor sa PARAMOUNT. Sa lakas ng concert sa loob ng bus, hindi narinig ang umiiyak na konduktor. Umeksena si PROSERFINA, ung sukli nya daw at sinsermunan ang driver na hinaan ang magpatugtog. Bwisit na bwisit ang konduktor sa driver. Sa wakas nakababa na rin ako, at nagbayad naman ako. Sa aking pagbaba,tinignan ko ang pangalan ng bus, sya ay si CHACHA

Madami akong natutunan sa aking paglalakabay:

1.      Mamili ng bus,wag yung mukang CR at parang magiging CONVERTIBLE anytime.

2.      Wag emo ng emo sa bus, bigla kasing me umaagaw ng eksena e.

3.      Wag gayahin si TEBAN, puro haka-haka, manahimik para di halatang di nagbayad.

4.      Wag sasakay sa wlang konduktor.

Sa dinarami-rami ng bus, we get to choose one.Hindi lahat ng bus,perfect. Minsan, in the middle of the trip, biglang tumitirik and we have no other choice but to transfer to another one.

Parang pagibig din yan, sa dami ng taong nakilala,kilala at kikilalanin mo, you’ll choose only one. And in the middle of your relationship, when everything seems perfect, think again.. People change… and you got no other choice, but to look for another way to pick yourself again… retrieve what is stolen… and choose another bus, that will lead you back HOME.